TRADISYON NG PASKO
TRADISYON NG PASKO
Ang Pasko o sa Ingles ay Christmas kadalasang ipinagdiriwang taon-taon tuwin Disyembre 25. Ang wikang Ingles ang salitang "Christmas" ay pinaikling "Christ's Mass" o may tuwirang salin na "Misa ni Kristo." Sa araw na ito ipinagdiriwang ng karamihang Kristiyano ang araw ng kapanakan ni Hesus. Nakasanayan na natin na tuwing pasko ay may handa tayo kahit maliit man lang para maipagdiriwang natin ang pasko. Tradisyon nating mga pinoy na ilang araw bago mag pasko ay mag mangangarolling. Isa rin sa tradisyon kapag pasko ay ang pamimigay, maliit man o malaki ay taos-puso nating tatanggapin at pasasalamatan ang taong nagbigay. Kaya ngayon kami naman ang magbibigay para pagpapakita ng pasasalamat sa masipag na janitor ng Asian College of Technology. Kaya nagusap kami kung ano kaya ang pwedeng ibigay kay Kuya Carl kahit maliit man lng. Pagkatapos ay pumunta kami sa supermarket at ibinili ang aming naipon.
Bumili kami nang pang Noche Buena at yung kabuuang gastos ay P461.00. Pagkatapos ay umuwi na kami at naisipan na bukas nalang nami iibigay. Bago nag simula ang klase ay mabuti nalang nakita nami si Kuya Carl agad at binigay sa kanya ang aming nabili. Hindi siya makapanipaniwala na meron siyang matanggap. Nagpapasalamat kami sa kanya dahil kahit hindi madali ang kanyang trabaho ay ginawa niya ito nang maayos. Sobrang saya niya nung tinanggap niya ang regalo at nagpapasalamat siya sa amin.
Sobrang gaan ng aming pakiramdam pagkatapos dahil may napasaya kaming kapwa Pilipino na kahit maliit lang ang aming ibinigay ay malakit na ito para sa kanila. Hindi naman mahirap magbigay kung talagang gusto mo itong gawin.
Comments
Post a Comment