
KALAYAAN AT PAYAPA SA ILALIM NG MAKULIMLIM NA HIMPAPAWID creds: https://www.pinterest.ph/pin/225039312621373826/ Minsan namamali tayo ng pag unawa sa salitang kalayaan dahil para sa atin ang salitang ito ay tumutukoy sa pag gawa ng mga bagay na gusto nating gawin ng walang limitasyon. Ngunit ang totoong kahulugan ng kalayaan ay ang pagkaroon ng disiplina sa lahat ng ating ginagawa. Kaya dapat ilagay natin sa ating isip na resposibilidad nating maging disiplinado sa pag gawa ng mga desisyon at mga bagay na ating gustong gawin. Bilang isang kabataan masasabi ko na maganda ang pagkaroon ng kalayaan ngunit dumating na sa punto na kami ay nabubulag na sa mga bagay na aming gustong gawin kaya pag kami ay binigyan ng limitasyon ay nilalabag parin namin dahil nga para sa amin binigyan kami ng kalayaan kaya okay lang na ganito at ganyan ang aming gawin, at dahil nga gusto namin na kami minsan ang masusunod ay naging sanhi narin ito ng away at hindi pagkakaunawaan sa pamilya at m...