KALAYAAN AT PAYAPA SA ILALIM NG MAKULIMLIM NA HIMPAPAWID

creds: https://www.pinterest.ph/pin/225039312621373826/

Minsan namamali tayo ng pag unawa sa salitang kalayaan dahil para sa atin ang salitang ito ay tumutukoy sa pag gawa ng mga bagay na gusto nating gawin ng walang limitasyon. Ngunit ang totoong kahulugan ng kalayaan ay ang pagkaroon ng disiplina sa lahat ng ating ginagawa. Kaya dapat ilagay natin sa ating isip na resposibilidad nating maging disiplinado sa pag gawa ng mga desisyon at mga bagay na ating gustong gawin.

Bilang isang kabataan masasabi ko na maganda ang pagkaroon ng kalayaan ngunit dumating na sa punto na kami ay nabubulag na sa mga bagay na aming gustong gawin kaya pag kami ay binigyan ng limitasyon ay nilalabag parin namin dahil nga para sa amin binigyan kami ng kalayaan kaya okay lang na ganito at ganyan ang aming gawin, at dahil nga gusto namin na kami minsan ang masusunod ay naging sanhi narin ito ng away at hindi pagkakaunawaan sa pamilya at maari rin itong naka-apekto sa relasyon ng aming mga mahal sa buhay. Ngunit minsan ang dahilan rin kung bakit ang mga bata ay nagkakaganito dahil nawalan na silang ganang umuwi sa kanilang mga tahanan dahil ang tahanan na ating tinitirhan at inuuwian ay hindi na katulad nang dati. 

Payapa sa ilalim ng makulimlim na himpapawid: Ang himpapawid ay nag sisimbolo ng kalayaan at dahil nga ito ay makulimlim, nagkaroon ng mga sagabal, limitasyon at, pagbabawal sa mga ating ginagawa. Hangad nating magkaroon ng kalayaan kaya nga tayo ay binigyan nito ngunit wala naman tayong kapayapaan. Ang dalawang salitang ito ay dapat magkasama ngunit kahit ipilit mn natin ay kusa talagang magkasulungat ang dalawang salitang ito. Ngunit dadating din ang panahon na tayo ay magkaroon na ng sapat na kalayaan at mapayapa na pamumuhay.

Comments

Popular posts from this blog

LIHAM PARA SA MGA POLITIKO