3C'S

 



Choice - Donesa Rhae Azcuna

Simula nung lumipat ako sa ACT siya yung naging close ko talaga at di ko naman inasahan na maging magkaibigan kami, siya kasi yung klaseng kaibigan na handang makinig, handang umunawa at nandiyan lang palagi para sa iyo kahit hindi naman kayo palaging mag kasama o nag uusap. 

Siya yung pinili ko dahil sa mga panahon na ako ay problemado at walang wala na hanggang dumating sa punto na ayaw ko nang pumasok at parang binalewala ko na yung pamilya ko, siya yung nadun para damayan ako na at ipanaunawa niya lahat sa akin at sa parte na hindi ka magdadalawang isip na sabihin yung mga ikinakaharap mo dahil gagawa at gagawa siya ng paraan para mapagaan ang iyong loob.

Chance - Zeth Ruizo

Dahil sa eco fashion ay mas nakilala ko pa siya. Pinili ko siya dahil kahit hindi niya pinapakita ay alam ko isa siyang mabuting lalaki na marunong rumespeto ng babae, isang rason kung bakit ko ito nasabi ay dahil nakita ko kung paano niya pakipagsamahan at pakitaan ng respeto ang kanyang mga nagustuhan at nakita ko rin kung paano niya nirerespeto ang kanyang ate. At dahil diyan parang natuwa ako dahil konti nalang yung lalaking gandiyan kaya masasabi ko na, siya yung pinili ko na maging kaibigan dahil magkaiba ang magkaiban sa magkakilala.


Change - Josh Elumbaring

Sa parte ni Josh, masasabi ko na isa siyang mabuting kaibigan na marunong rumespeto, may pagmamalasakit para sayo pero yung hindi ko lang talaga nagugustuhan, base sa nakikita ko kung paano niya tratuhin ang kaniyang magulang. Para kasi niyang minamaliit at kung makapag utos siya minsan ay akala niya madali lang iyon, kaya sana ay matauhan siya at marunong na siyang rumespto sa kanyang mga magulang kagaya ng paano niya kami ni rerespeto bilang kanyang mga kaibigan.


 


Comments

Popular posts from this blog

FASHION DESIGN

20th Century Art Movement - Pop Art