HAMON SA PAMILYA
Ano nga ba ang kahulugan ng Pamilya? Ito ba ay grupo kung saan binubuo ng ama, ina, at anak? Siguro oo, pero limit sa ating kaalaman mas malalim pa ang kuhulugan ng pamilya. Ito ay isang magandang parisukat kung saang merong pagmamahalan, pagkakaintindihan, katuwaan, at pagkaroon ng katuwang sa buhay. Ang pamilya ang pinamakaliit na sangay ng lipunan pero ito ay napakahalaga. Kung wala ito, wala tayo sa pwesto natin ngayon. Mas magiging maganda ito pag ang miyembro nito ay nagkakaisa. Kung gusto nating ng pagmamahalan at kasiyahan, kailangan natin itong itanim. Wag nating hayaan mawala ito sa gitna dahil pag ito'y nawala, maaring makasira ito sa pagsasamahan at mahirap nang ibalik. Ang Pamilya ay nakakaharap ng maraming maraming hamon at hindi natin ito maiiwasan. Ang mga hamon na ito ay maaring maging dahilan sa hindi pagkakaunawaan sa loob ng pamilya. Kagaya nalang ng kawalan ng oras sa isa't isa. Marami tayong mga importante...