HAMON SA PAMILYA

    


    Ano nga ba ang kahulugan ng Pamilya? Ito ba ay grupo kung saan binubuo ng ama, ina, at anak? Siguro oo, pero limit sa ating kaalaman mas malalim pa ang kuhulugan ng pamilya. Ito ay isang magandang parisukat kung saang merong pagmamahalan, pagkakaintindihan, katuwaan, at pagkaroon ng katuwang sa buhay. Ang pamilya ang pinamakaliit na sangay ng lipunan pero ito ay napakahalaga. Kung wala ito, wala tayo sa pwesto natin ngayon. Mas magiging maganda ito pag ang miyembro nito ay nagkakaisa. Kung gusto nating ng pagmamahalan at kasiyahan, kailangan natin itong itanim. Wag nating hayaan mawala ito sa gitna dahil pag ito'y nawala, maaring makasira ito sa pagsasamahan at mahirap nang ibalik.


    Ang Pamilya ay nakakaharap ng maraming maraming hamon at hindi natin ito maiiwasan. Ang mga hamon na ito ay maaring maging dahilan sa hindi pagkakaunawaan sa loob ng pamilya. Kagaya nalang ng kawalan ng oras sa isa't isa. Marami tayong mga importanteng bagay sa ating buhay, pero sana naman ay di natin mapapabayaan ang mga tao na nasa paligid natin at mahalagang maglaan ng panahon para magka sama sama upang magkausap kayo at mas lalong magiging matibay ang samahan ng pamilya. Pag dating sa bagay na ito, kahit gaano man kahirap ay importante sa pamilya na magkaroon ng komunikasyon. Kailangan nating ilabas kung ano man ang meron sa ating damdamin sapagkat dahil dito ay matutunan nating umunawa at habang tumatagal ay matututo narin tayong mag tiwala sa isa't isa. Wag nating hintaying dumami ng dumami ang problema na hinaharap niyong pamilya dahil pag hindi ito naayos agad ay maari itong makakaapekto sa samahan ng isa't isa at mas lalong mawawalan na ng interes na ayusin ang problema.


    Ang mga hamon natin sa buhay ay magagamit nating aral upang tayo ay magiging matatag, ilagay natin sa ating isip na ang mga problema na ito ay isang opurtinidad para patibayin ang ating sarili. Isa sa mga dapat gawin para mas maging matatag ang pamilya ay ang pagkakaroon ng pananagutan sa isa’t isa,  sa pagiging tapat, sa pagsasama-sama bilang isang pangkat, at sa pag-aalaga sa isa’t isa. Bigyan natin ng halaga ang pamilya na meron tayo sa pamamagitan ng mga salita at gawa. Dahil sa pagpapahalaga ay mas lalong maging malapit sa isa't isa at dahil diyan ay matuto tayong magtiwala. At wag nating kalimutan na ilagay ang ating pananampalataya sa sentro ng ating pamilya, sa ating sarili, at sa lahat ng bagay dahil ito ang gabay sa mga pagsubok na madadaanan at dahil din dito ay mas magiging mabuting tao tayo kung saan makakaimpluwensya tayo ng maganda hindi lang sa ating pamilya kundi sa mga taong ating nakakasalamuha.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

LIHAM PARA SA MGA POLITIKO