HALAGA NG BUHAY

   

"Ang buhay ay parang isang ferris wheel, kaya matuto kang paano i-enjoy ang pagsakay"


    'Buhay' isa itong malaking bagay na binigay ng panginoon sa atin, hindi lang sa mga tao kundi kasali rin ang mga halaman at hayop. Binigyan tayo nito para gawin natin ang ating layunin sa buhay na magpapasaya sa atin at magkaroon ng magandang epekto hindi lang para sa atin kundi pati narin sa mga taong nasa paligid natin. Ngunit alam ba natin ang halaga nito? Pinapapahalagahan ba natin ito? Para sa akin, hindi pa lahat ng tao ang nakakaalam ng kahalagahan sa buhay. Masasabi ko ito dahil marami paring tao ang hindi alam kung ano talaga ang kanilang layunin sa buhay at isa na ako doon, hindi ko alam kung ano talaga ang purpose ko at bakit ako nandito sa mundong ito.

    Pero kung tatanungin ako kung ano ang kahalagahan ng buhay? ang masasabi ko ay mahalaga ito sa aspeto na binigay ito sa atin ng diyos kaya dapat marunong tayong gamitin ito sa tamang paraan upang hindi natin ito mapapabayaan. Binigay sa atin ito para magkaroon tayo ng purpose sa mundong ito. Kailangan nating maging makatuwiran. Gawin natin ang ating layunin kasama na ang disiplina sa ating sarili at paggawa ng tamang desisyon. At ang pinakamahalaga ay ang pagkaroon ng pananampalataya sa panginoon. Dapat ilagay natin siya sa centro ng ating buhay at habang numumuhay tayo dito sa mundo, dapat maging mabuti tayo at gawin natin ang tama.

    Nabubuhay tayo para sa ating sarili. Nabubuhay tayo upang gumawa ng mga bagay na kailangan nating gawin. Araw araw nabubuhay tayo upang saluhin ang mga problema na ibinabatao sa atin pero narito tayo hindi para sumuko, kundi para lumaban. At isa pa hindi tayo nabubuhay para sa opinyon ng iba, hindi tayo nandito para lang masaktan, malungkot at parating nakabusangot. Meron din itong purpose upang patibayin natin ang ating sarili para sa mga layunin natin dito sa mundo hanggang masasabi natin na nabubuhay tayo para gampanan ang mga misyon at responsibilidad na binigay ng panginoon sa atin.


x

Comments

Popular posts from this blog

LIHAM PARA SA MGA POLITIKO