Posts

Showing posts from January, 2020

TULA PALOMS

           Ang Kapaligiran                By: Mary Paloma Legarde  Ang mga tao ay walang pakialam    Basura nila’y pinababayaan kong saan    Ang ating kapaligiran ay hindi inaalagaan      Sa panahon ngayon walang awa lamang         Ang bukirin ay masdan hindi natin pabayaan         Ngayon at kong kailangan madaming nasayang         Ang mga ulap at ilog na kulay berde at kayumanggi         Ang buhay natin ngayon ay maraming nagkasakit       Sana magbago ang lahat ng nagawa ng tao       Hindi na dapat maulit ang nangyaring walang kupas       Maraming nagmamayabang hindi lang nila alam        Dapat ang kapaligiran ay alagaan ng mabuti ...

TULA

Sa langit Lorna Mae Florita Tahimik ang puso, Madaldal ang utak Daming gustong sabihin  Ngunit wag nalang muna Napaisip ako, kung hindi lang tayo sumuko sana ngayon ay masaya tayo Titingala sa langit at hihiling na sana'y mawala ang sakit Luluhod sa langit at dadasal na sana ang ligaya ay hindi ipagkait. Pero oras na, oras na para magising ako sa katotohanan Hahayaan ang sarili na masanay sa wala at kalimutan ang mga tiwalang nasira.

TRADISYON NG PASKO

Image
TRADISYON NG PASKO       Ang Pasko o sa Ingles ay Christmas kadalasang ipinagdiriwang taon-taon tuwin Disyembre 25.  Ang wikang Ingles ang salitang "Christmas" ay pinaikling "Christ's Mass" o may tuwirang salin na "Misa ni Kristo."   Sa araw na ito ipinagdiriwang ng karamihang Kristiyano ang araw ng kapanakan ni Hesus. Nakasanayan na natin na tuwing pasko ay may handa tayo kahit maliit man lang para maipagdiriwang natin ang pasko. Tradisyon nating mga pinoy na ilang araw bago mag pasko ay mag mangangarolling. Isa rin sa tradisyon kapag pasko ay ang pamimigay, maliit man o malaki ay taos-puso nating tatanggapin at pasasalamatan ang taong nagbigay. Kaya ngayon kami naman ang magbibigay para pagpapakita ng pasasalamat sa masipag na janitor ng Asian College of Technology. Kaya nagusap kami kung ano kaya ang pwedeng ibigay kay Kuya Carl kahit maliit man lng. Pagkatapos ay pumunta kami sa supermarket at ibinili ang aming naipon.       ...