TULA



Sa langit
Lorna Mae Florita

Tahimik ang puso,
Madaldal ang utak
Daming gustong sabihin 
Ngunit wag nalang muna

Napaisip ako,
kung hindi lang tayo sumuko
sana ngayon
ay masaya tayo

Titingala sa langit
at hihiling na sana'y mawala ang sakit
Luluhod sa langit at dadasal
na sana ang ligaya ay hindi ipagkait.

Pero oras na,
oras na para magising ako sa katotohanan
Hahayaan ang sarili na masanay sa wala
at kalimutan ang mga tiwalang nasira.





Comments

Popular posts from this blog

FASHION DESIGN

20th Century Art Movement - Pop Art